Mayor Rachel Acaylar Ubana

          Isinilang noong ika-16 ng Agosto 1973 sa Lungsod ng Dapitan, Zamboanga del Norte. Siya ay nag-aral sa nasabing Lungsod at nag tapos bilang SALUTATORYAN sa Elementarya at Sekondarya.
          Siya ay aktibo sa pagsali sa mga paligsahang pang akademiko mula Elementarya at palagi siyang nagtatamo ng Unang Karangalan sa mga District at Division Quiz Bee at maging sa Region IX ay nagwagi siya at naging Regional Champion sa Quiz Bee in English noong 1988 noong siya ay nasa High School.
          Siya rin ang napiling Rotary Youth City Mayor ng Dapitan noong 1989. Kasunod nito ay pinarangalan din siyang Most Outstanding Student of Dapitan City noong 1990 ng Knights of Rizal.
          Nag aral siya ng kanyang Kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas o UP sa diliman, Quezon City at nagtapos ng kursong Bachelor of Arts in Philosophy. Noong 1996 ay isa siya sa napiling labinglima (15) Writing Fellow Poetry sa buong bansa sa isinagawang National Writer’s Workshop ng National Commission for Culture and Arts (NCCA).
          Siya ay nagsimulang maging bihasa sa mga usaping pangkababaihan noong siya ay nagtrabaho bilang Program Associate an Asian Women’s Human Rights Council (AWHRC) at Development Action for Woman Network o DAWN.
          Siya ay nahalala bilang Kabataang Barangay (KB) Chairman ng kanilang Barangay taong 1988. Nagtrabaho siya sa Kongreso ng Pilipinas bilang Political Affairs Assistang ng isang Kongresista mula 1997-1999. Siya rin ay naging Local Legislative Staff Officer III ni Vice Mayor Arjo Yllana ng Lungsod ng Parañaque noong 2004 hanggang 2007.
          Noong 2004 ay itinatag nila ng kanyang asawa na si Bokal Sonny Ubana ang Beata Sai Integrated School sa Lopez, Quezon at siya ang tagapamanihala nito hanggang sa kasalukuyan.
          Maliban sa kanyang pagkaabala sa kanilang paaralan at sa kanilang tahanan bilang ina ng tatlong anak, asawa ay mahusay niyang pinamahalaan ang Samahan ng Kababihan ng Lopez kung saan siya ang tumayong  Pangulo ng samahan. Miyembro siya ng Pi Sigma Delta Sorority mula 1994 at kasapi din siya ng Soroptimist International of the Philippines Region, isang sikat na samahan ng Kababaihan sa buong mundo, at ng Lion’s Club International Calauag Bay Chapter.
          Siya ay nahalal at naglingkod bilang Miyembro ng Sangguiniang Panlalawigan sa ika-apat na Distrito ng Lalawigan ng Quezon 2010-2013.
          Ang mapagmahal at uliarang maybahay ng pinagpipitaganang Bokal ng ika-apat na Distrito ng lalawigan ng Quezon na si BM Isaias “Sonny” B. Ubana II.
          At siya ang kauna-unahang babae na naging alkalde ng Bayan ng Lopez.